Thursday, June 02, 2005

helluva week

..or more aptly, heaven.

it started out by thursday. gusto ni mama na pumuntang Tangaon (piddig, ilocos norte) para ayusin yung birtch certificate nya. saktong sakto din kasi uuwi sila auntie tess dala yung L300 para sa 1 year death anniversary ni Lola Ilig. And so, mga 11 ng gabi, umalis kami papuntang norte. Masaya ang biyahe kasi dinala nu Uncle yung tuta nyang si Jojo at kasama si Gerwin-pamangkin ko na 2 taon lang ang tanda ko. Don't ask why.. may pamangkin nga akong 26 na.. eh 18 pa lang ako.

anyway.. tuloy ang biyahe. mga alas dos ng madaling araw(mabilis ang biyahe promise!!), tumigil kami sa may 7-11 sa may urdaneta, pangasinan. nagcoffee sila habang nag hot choco at mocha kami ni gerwin (na nilibre ko as usual..)akala ko hot choco din yung kinuha nya.. ewan ko lang kung me diperensya.. pero di naman napansin nung guard at cashier.. inaantok pa siguro..

mga magsisix.. nasa sta. maria ilocos sur na kami.. ganda ng beach dito. sakto pang nasa tabi ng highway kea madaming mga nagbabiyahe din ang tumigil.. eto yung kinuha kong pic..

Image hosted by Photobucket.com

matiwasay naman ang biyahe.. nakarating kami sa Tangaoan ng mga alas diyes. Nakakasar nga lang kasi sobrang ingay ni Jojo na nababagot na sa kakaupo sa karton niya.

Dun kami natulog sa bahay nina auntie carmen at uncle edring natulog.. wala halos tao sa bahay. si ate melvin kasi nasa hospital, binabantayan si uncle edring kasi sumama yung pakiramdam matapos magtake ng kanyang morning stroll sa bukid. nagpunta kami sa bayan para dalawin siya, at hanapin si gerwin na umalis kasama ni paul at gamit ang scooter nang walang paalam. nung kinagabihan.. napagalitan sila kasi nasira nila yung susi ng scooter.. ayun tuloy.. di na pinagamit sa kanila yung scooter... at yung pentium four na computer ni tita melvs (sayang lang, walang internet at linya ng telepono sa Tangaoan).

saturday.. nagpunta naman kami kila auntie trising (wala pa kaming bahay sa Tangaoan pero pagnakaipon na ako, yun ang unang unang gagawin ko..)and to my delight.. nakita ko yung baby brother ni Mc Mc.. si Andrea. Cute na bata.. heheh.. kulit din. pag sinabihan mo siyang "haan ka ag kutkuti!!!" hindi talaga siya gagalaw.. ewan ko ba.. takot ata sakin.. kahit todo iyak niya.. pagsinabi kong "andrea, nakatagtagare ka man! agsarding kan!" bah.. titigil nga.. anyway.. eto pic nya.. sure ko maku cutan din kayo..

Image hosted by Photobucket.com

sana makita ni ate marissa.. hahahyyy.. kung me email addy lang siya.. ipapadala ko sa kanya lahat ng nakuha kong pic ng mga anak niya.. im sure namimiss na nila sila ni kuya cito.

sunday, ayun.,. kung saan saan naman kami napdpad sa Tanagaoan.. mga bahay ng mga tita at mga lola. Mano dito mano doon.. beso beso.. dun kami natulog kila Mc Mc. di ako masyadong nakatulog.. naalala ko pa yung mga multo na nagpapakita sa labas ng bahay.. heheh..

monday.. nagpunta kaming laoag kasi pinabakunahan si Andrea. dumaan kaming jollibee at sa st. william's church.. eto yung pix..

Image hosted by Photobucket.com

matapos nun.. nagpunta kaming sarrat.. nakita ko kasi yung simbahan ng sta. monica nung papunta kami kea nung pauwi na kami.. dumaan kami dun.. sa sta. monica church kinasal si Irene Marcos.. as you guys probably know.. the Marcosses are from Sarrat.

here are some pics of the church...

Image hosted by Photobucket.com

this church was established 1724.. kumpara sa ibang mga church dito sa pinas.. it is fairly old.. pero mas madami pang mas matatandang simbahan sa bansa..

eto naman yung sa loob.. takot na takot yung pamangkin kong lumapit sa altar.. sabagay.. creepy nga naman. madilim kasi.. eto ang pic..

Image hosted by Photobucket.com

lumabas kami sa side entrance at nakita namin yung convent ng simbahan.. naabutan namin yung kapatid ko at si Mc Mc.. kakalabas lang nila sa convent na humihingal.. nung nakita nila kami.. sabi nila natakot daw sila.. bigla daw kasi silang may mnarinig na umiiyak tapos may kaluskos.. pumasok naman ako.. wala naman.. parang mini museum lang naman. may kamaganak pala kaming naging kura paroko nung church.. may nakita din kaming mga solid gold na mga gamit sa pagbibigay ng ostiya at sinaunang camera.

Image hosted by Photobucket.com

eto naman yung belltower.. sobrang taas nya at sa katandaan ay wala nang umaakyat para iring yung bell.. delikado na kasi.. mag mga nakaattach na lang na lubid para mapatunog yung kampana sa taas.. eto oh..

Image hosted by Photobucket.com

pagkatapos naming magpunta sa sarrat.. sa ili naman kami nagpunta para nga asikasuhin na yung mga papeles ni Mama.. eto yung mga pics nina tin tin at andrea..

Image hosted by Photobucket.com

syempre.. kahit sa bayan ng piddig, meron ding mgamagagandang simbahan.. eto oh..

Image hosted by Photobucket.com

ayan.. kauuwi lang namin kaning alas-kwatro.. ang saya!!! sana maulit uli sa november.. heheh..

o yea.. the camera that was used to take all these pics was given to me by this guy,,

Image hosted by Photobucket.com

thanks man! hope to see u soon..

No comments: