Monday, February 21, 2005

how stupid can i possibly get?

Whoa.. what a day. Grabe, napaka emotional ko ngayong araw na ‘to. Kung di lang ako yung gagang umiiyak at nagiinarte kanina papuntang food stuff, aba, tiyak na mabibwisit ako sa gagang nabanggit. Hindi kasi ako yung taong mahilig gumawa ng excuses. Alam kong ako ang may sala, although medyo napagrabe ng group members ko but if there is one person to blame… ako po yun… Nalulungkot lang ako at naiinis sa katangahan ko. Kaso whats done is done. Times like these I wish na may time machine po akow… Nadisappoint talaga ako sa sarili ko kanina sa rhetoric. Kalimutan daw ba yung line? Mahawa daw ba sa kamalian ng iba?! Di naman sa nagmamataas pero sa totoo lang I expected better, hindi lang sa mga ka grupo ko pero lalong-lalo na sa bwaka nang inang sarili ko.

Siguro kung hindi lang talaga grabe yung sakit ng ngipin ko na halos mablangko ang isipan ko pag bumubugso yung sakit, baka napabuti ko pa yung mga nangyari ngayong araw na ‘to. Ngayon, medyo humupa na. Nagkadamage pala kasi yung ngipin ko, natanggal yung dating pasta. Ayaw namang bunutin ng dentista ko kasi sabi nya maaayos pa naman yung pasta at saka masama kasing binubunot pag masakit kasi hindi tatalab yung anesthesia.

Kahapon, nakahanap na ako ng magandang blogskin para kay iszhang. Basta, pag minsang makapgiinternet kaming 2, tuturuan ko syang gamitin yung blogskin…

I’ve made up my mind. Tatakbo na talaga ako as chd treasurer under sa bukluran party. I guess gusto ko namang makaambag sa pagpapatakbo ng ating kolehiyo. Ayaw ko nang maging passive student, gusto ko namang masabing may pakialam ako sa nangyayari sa kolehiyo ko. Magagaling ang mga kapartido ko, sana nga kasing level nila ako. Siguro ilang seminar at self confidence build-up pa ang kakailanganin ko para makapantay sa kanila. Pero I swear to god, I will try my best…

Makes me wonder though, sino kaya ang treasurer ng tugon?

Hehe, iboboto nyo ba ko, if ever?! Sana nga po suportahan nyo ko.

Bago na blog ko no, pansin nyo? Yung doodleboard ay nasa tell me, yung mga links nyo, nasa leave, profile? The girl po yan and etong binabasa niyo ay nasa ilalim ng my rantings.

Oh yeah, to the maker of this blogskin, great job! Keep it up!

No comments: