Wednesday, February 09, 2005

Have you ever?

No.. this is not a song, hindi to tula. Gusto ko lang maglabas ng mga saloobin ko. Sabi rin sa mga pelikulang napapanood ko, the best way to find one’s peace of mind is to talk about the things that hinder it (one’s peace of mind). So eto, nilalatag ko ang aking mga saloobin dahil sobrang bigat na, di ko na talaga kaya.

Hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang focus na kailangan ko upang makapasa sa semestreng ito. Sobrang dami ng iniisip ko. Choral speech sa rhetoric, report sa IT, Economics, Philippine studies, mga midterms na hindi pa tapos at pano nanaman mag exist ng isang buong araw. Ang hirap talagang magfocus. Kasi… stupid talaga. Ineng naman, alam mo namang bawal paganahin ang puso habang dapat ay ginagamit ang utak. Di malalaman ng katawan kung sinong susundin. Ah basta. Okupado niya ngayon ang isipan at emosyon ko. Buti nga di nila pansin-I really hope it stays that way. Wish ko lang, a few more weeks, sana nga di nila mapansin para I’ll have the whole vacation dedicated to losing myself unto greater, more logical and useful things. Sa mga nakakaalam na, please bear with me. Lam ko di nyo sya gusto so I’m hoping na mas madali para senyo na itago to. Ingats ingats na lang po sa pagmemention… Oh well, Maybe it’s just a seasonal thing. *my lips are bleeding.. again, well, the left corner of it anyway..* Baka nahawa lang ako sa dami ng mga lovers ngayon lalo na’t magvavalentines. Kaso, sobra na to eh, as in di na ako makapag-focus sa mga dapat kong gawin, dapat isipin at dapat abalahin. I just think of him and poof! All the sensible thoughts, schedules and deadlines suddenly vanish. Di kaya may ginayuma to tapos imbes na dun sa girl eh sa ‘kin backfire ung spell? Syet talaga.. nakulam nya nga yata ako…

Naranasan nyo na bang kwestiyonin ang isang desisyong ginawa mo na as in siguradong-sigurado ka na kaso parang ngayon di ka na sure? Eto ang mahirap sa buhay, hindi pwedeng pag sa palagay mong mali, pwedeng magreturn sa last save point at magsimula muli. Dito sa tunay na mundo, hindi pwede kasi may consequence ang lahat ng iyong ginagawa. Di pwedeng basta-bastang magbago ng goal sa buhay. PARANG AYAW KO NANG MAGING TEACHER, DI KO YATA KAYA. Etong realisasyon na ito ang sumalubong sakin habang nagrereport ako nitong nakaraang linggo. Kung kayo/sila ngang maituturing na mga edukado, may mataas na pinag-aralan at may ambisyon sa buhay ay di ko kayang makayanang makuha ang atensyon at respeto habang nasa harapan ako ng klase-ano pa kayang tsansa ko sa mga batang highschool na puro kabulastugan at kalokohan lang ang mga laman ng mga utak?! Ang sakit kasi, nung tipong nageexplain ka sa harap tapos walang nakikinig sayo. Para kang binastos-or maybe, that’s just me. Kasi masyado akong nasanay na pinakikinggan ng mabuti ang bawat kong salita, mapakanta man o reporting nung nasa highschool ako kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. MEDIOCRE, INCOMPETENT… eto ang mga salitang paulit-ulit na lumalangoy sa aking diwa. Ayaw kong maging mediocreng guro. Kung magiging mediocreng guro ako, bah, maghahanap na lang ako ng propesyon kung saan maibibigay kong lubos ang aking talento at napag-aralan. Oo na, idealistic masyado. Pero anong mangyayari sakin kung di ako magiging idealistic?! Magiging isang nilalang akong di maabot ang rurok ng aking potensyal-at iyon ang di ko mapapayagan. Hahhy.. sana may makatulong sa aking makapagdesisyon, dahil hindi na talaga ako tiwala sa dinidikta ng aking isipan.

No comments: